Komentar

Globe Pocket Wifi is so fast!!!

Sino ang nagdadalawang isip na bumili ng Pocket wifi?
Kung gusto mong bumili,alam kong nalilito ka kung Globe or Smart pocket wifi ang bibilhin mo diba?

Para sa akin, syempre ang ang lakas ng signal ng mga Pocket wifi ay nakabase sa signal ng lugar mo, kung malakas ang smart sa lugar mo, then bumili ka ng Smart pocket wifi, pero kung malakas rin naman ang Globe sa lugar mo, then buy the globe pocket wifi.

Dito kasi sa amin, maraming nagsasabi na malakas ang Globe dito sa Sogod, southern leyte at yung iba nagsasabi na mahina daw yung Smart dito, kaya instead na bibili ako ng Smart dahil maganda kasi may screen, pero ang binili ko ay ang globe.

Sa smart pocket ng kaklase ko imbes na 4G, ang nasa screen niya ay 3G lang, kaya ko nalaman na nakabase pala ang ng signal sa location mo. Pero pagkabili ko ng Globe, nagload kaagad ako at ginamit ko, worth it naman kasi mabilis ang loading at 2devices pa ang naka-connect via Cellular phone at Laptop, malakas kasi Globe dito sa amin kaya ito
Binili ko.

Ang tagal rin malowbat ang pocket ng globe, kaya hindi ko ito gagamitin ng nakacharge kundi hihintayin ko munang ma-full charge ito saka ko gagamitinpara iwas damage ng battery that can cause na bilis malowbat.


Sa Surf Promo naman naka-register ako sa Supersurf50. Ito ay unlimited 1 day surfing pero may limit ang internet usage nito base sa nalaman ko may 800mb yata yun, kung saan kung mareach mo yan possibleng humina ang internet mo. Sa nabasa kung articles online ang daming ayaw sa supersurf internet promo na inooffer ni Globe kasi may limit daw, yun ang pinaka-rason sa lahat pero hindi nila alam na kasama na yun sa FAIR AND USE na nakaindicate sa Registration confirmation ni 8888 kapag magreregister ka sa supersurf na kapag matindi ang gamit mo sa internet, pwede nilabg ireduce ang internet Speed. Gusto mo malaman ang sagot??


Ito yung sagot, noon kasi naiunis rin ako sa kanila dahil doon, kasi bakit pa nila irereduce yung speed sa mahina e nakaregister naman ako sa Unli?
After nun, kinausap ko globe customer service at ayun!! Doon ko nalaman na nakaindicate pala sa confirmation ng registration ng Supersurf na once mataas ang antas ng paggamit mo ng internet kaysa nakararami, possible nilang hinaan ang speed kasi ang rason nila para hindi maapektuhan ang ibang gumagamit ng internet o di kaya'y para hindi rin maapektuhan ang signal na ginagamit ng mga tumatawag sa ibang lugar o nakikipagcommunicate via text. Yun ang reason kung bakit allow silang hinaan o ireduce ang internet speed.

Alam niyo ba kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang paghina ng internet? Base sa experience ko iwasan niyo panonood ng videos online or mag-Youtube kasi isa ito sa malakas gumamit ng internet speed, kasi everytime na magyoyoutube ako the whole time, bigla nalang magtetext si 8888 na hininaan nila internet speed dahil sa matindi kong paggamit. Kaya iwas iwas din manood ng videos online para iwas bawas internet speed, pwede ka naman manoid pero huwag siguro lumagpas sa 10 or 15 above. Kasi kung hindi niyo pa alam na may nagmomonitor ng internet ng globe.

By the way, marami rin kasing Globe/tm subscriber na nagreregister din sa Supersurf, pero if you are a kind of person na ang ginagawa lang online is Email,Fb,twitter,instagram,Ym,google or researching then go and register sa new GOSURF50 valid for 3days pero hindi unlimited surfing.





Kung gusto mong malaman ang iba pang Surf promo, Updates at iba pang interesting articles dont forget to visit my blog always para sa mga bagong articles.




IF YOU LIKE THIS POST DON'T FORGET TO LIKE AND POST A COMMENT SO THAT I CAN ANSWER YOUR QUESTIONS!! OR YOU CAN SUBSCIBE TO MY BLOG FOR UPDATES!!!.


Sa future ng blog articles, siguro ishe-share ko sa inyo ang mga bagong Call/Text promo at yung mga Websites na kung saan you can gain Electronic load or E-Load.
Plus ipopost ko rin sa susunod about Eloading. Kaya dont forget to like,comment,subscribe and visit my blog always for new updates. MypinoyInfo

















Globe Pocket Wifi is so fast!!! Globe Pocket Wifi is so fast!!! Reviewed by Jai on 1:53 PM Rating: 5

1 komento:

  1. I need a short review sa mga pocket wifi and dito ko nakita at mas naunawaan, thanks sir ritz cabales

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.